Home » Post Item » ADVENTURES OF BOY SAKTO PART 2: Kung saan ka nadapa….
ADVENTURES OF BOY SAKTO PART 2: Kung saan ka nadapa….
June 18, 2010
Sobrang aga ng flight mula sa Chenai Airport, kaya pagdating sa ikalawang paliparan sa Kuala Lumpur, talagang sabik na ako makasakay at makaupo. Pano nga, sobrang antok ko na talaga…pagkakataon ko na to, apat na oras pa bago ako lumapag ng Maynila.
Uuwi na kasi ako sa Pilipinas…
Ako nga pala si Boy Sakto. Ito ang bansag na ibininyag sa akin ng kaibigan kong si Nene noong kami ay magkasama pa. Masasabi ko na sa lahat ng taong nakasama ko sa buhay, si Nene ang pinaka nakakakilala sa akin. Bakit Boy Sakto? Kasi daw ako ay laging sakto kung tumantiya, hindi nagpaparaya ng kahit kaunting palugit, sa aking bawat hakbang. Madalas niyang sabihin sa akin, na ang buhay ay hindi isang computer, kaya hindi ko daw dapat na ipino programa ang lahat ng aking desisyon at plano ng lapat sa aking inaasahan. Alam kong tama naman si Nene. Maraming pagkakataon nga na mas sinusunod ko pa ang kaniyang mungkahi at pagpapasiya higit sa sarili kong kagustuhan. Mahal ko siya kaya’t ang bawat isipin niya ay mahalaga sa akin. At ang bawat iatas niya ay nais kong maisakatuparan ng buong paggalang.
Ang huling bilin sa akin ni Nene ay “Huwag kang uuwi.”, “Sigurado, kapag umuwi ka, gastos lang yan.” Totoo naman ang lahat ng sinabi nya. Kung kaya’t nangahas akong pumasok muli sa Causeway kahit na hindi ko tiyak na ako ay makakabalik. Nang ako ay muling siyasatin, maayos na akong pinaliwanagan at tinuruan kung ano ang dapat kong gawin. Nasayang man ang tiket sa eroplano pauwi ng Pilipinas mula sa Changi na binili ko, mas magaan naman ang loob ko na wala naman palang ibinintang sa aking mabigat na kaso. Maghihintay lamang ako at makakauwi na ako sa Choa Chu Kang. Akala ko ganun lang kasimple yon. Paano ngang hindi, e sinakto ko na naman ang palugit ng petsa! Sa mga susunod na talata, ang mga salaysay ay may halo ng kolokyal…
Papasok ng Imigresen Johor Bahru, naabutan ko ang malaking disgrasya. Tatlong matatandang babae ang napag-abutan ng pasaporte ko (kabilin-bilinan ng mga kabayan ko, pipiliin ko kung saan ako pipila)…alam ko na, magkakaroon ng problema. Kaya matapos ang matagal na tawaran, wala akong nagawa ng bigla ako tinatakan. May 15???? May 12 noong araw na iyon. Sakto na naman! Paano ako makakbili ng bagong ticket at mkkpagpabook sa loob ng dalawang araw?
“I suggest you go to KL today…”
Sa loob-loob ko lang, gago ka…kung magsabi akala mo nasa kanto lang ung KL…
Ang tensyon na pinagdaanan ko malusutan lamang ang aking sitwasyon na iyon ay di ko na ide-detalye pa dahil iyon ay inyo ring mababasa sa aking journal blog na Bel Esprit sa buwang ito (The Great Escape).
Higit sa pagtakas sa trahedya, ang paksa ng blog na ito (ano ba sa tagalog ang blog?) ay ang pagsasalaysay ng isang kwento na nagpabago ng aking pananaw sa aking sarili…ang tunay na dahilan kung bakit ako ay magbabalik sa Malaysia.
Ahh sarap m
atulog…ipipikit ko na ang aking mga mata at sa wakas, makakatulog na rin. Kumuha ako ng kumot at bahagya kong isinara ang bintana sa aking tabi. Teka, makapagbasa nga muna ng balita para madali ako antukin. Maayos na sana ang lahat nang biglang… “hmmmmp! What the ………!” ( Ano yon? Amoy anghit! ) Lumapit ang isang lalaking Indyo at naupo sa tabi ko. Hindi maipinta ang aking mukha habang inaayos ko ang bag ko…
“Can I sit there? I want to sit there.“, wika nya habang itinuturo ang upuan ko sa tabi ng bintana.
“What?” kunot-noo at taas-kilay kong itinanggi. “No. I’m sitting here, can’t you see?“. Tatay ko pa. Palibhasa tingin ko dunsa tao, mukha syang gusgusin.
“So how is the stock market today?”. Panay ang dungaw sa binabasa kong pahayagang Malay.
“I dont know yet I havent finished reading.” Pasuplada kong sagot.
Hindi ko sya tinitingnan. My gulay! Talaga po naman, napakatapang ng amoy. Paumanhin po sa mga kaibigan ko sa Delhi, Bengalore at Pune…pero iba talga ang dating nito… kung baga sa patis…purong-puro. Ewan ko lang kung ano na iniisip ng ibang mga pasahero kalapit nya…Ano ba namang parusa ‘to? Pati ba naman dito sa loob ng eroplano, magdurusa din ako….tinamaan ng lintek…pano pa ako matutulog ngayon?
Inulit na naman nya, “I really want to sit there.“ Habang nakangisi at nanlalaki ang mata sa pagtanaw sa labas ng bintana.
That’s it. Ayoko katabi to…”Can I see your boarding pass? What is your seat number indicated there?”
Inilabas nya at iniabot sa akin, binasa ko seat number …18L. 18K ako, katabi ko nga tong mokong na to. Tiningala ko ung label sa taas ng mga upuan…Ngek! Nasa tapat ako ng L at sya ay nakaupo sa 18K. Napahiya ako dun ah…
“Oh i’m terribly sorry, I didn’t notice the labels, I just knew this is the K-L of Row 18. We may exchange seats now…”
As I faced him he looked at me and changed his mind, “Oh no, it’s okay… you may sit there.“
Ang weird naman nito. Eto pa, tuwing dumadaan ang flight attendant napakaraming request. Tulad ngayon, nagserve na ng pagkain, humiling siya ng vegetarian meal , tapos nainggit sa pagkain namin, nainggit naman sa dessert ko. Maya-maya pa, nag serve ng mga inumin, nakita ung Chardonnay, “What is that, I want that”. Nye! Tapos, hindi ko matapos-tapos ung binabasa ko kasi kung ano babasahin ko, kausap nang kausap.
Hanggang naawa na rin ako. Kinausap ko na. First time pala nyang mag-abroad. At Maynila ang una nyang destination. Akalain mo nga naman. Ang katabi ko pala ay isang Microsoft Certified IT Engineer at bihasa pa sa Linux. Teka, ano naman kaya mapapala ko sa pakikipag-usap dito?
Madaldal at
makwento din siya. Hindi maitago ang excitement sa kanyang mukha habang ikinukwento nya sa akin ang magiging trabaho nya sa Makati. Natigilan ako nang mabanggit niya ang pamamahala sa pagbili ng mga gagamitin sa networking. Oops, teka muna. Meron nga palang mga gamit ang tatay ng anak ko na hindi napakinabangan at nasayang nang hindi matuloy ang ZTE Deal…
Sige, kwento pa. Ayun, sa pagitan ng aming diskusyon (talakayan?), napag alaman ko na ito pala ang una niyang trabaho. Ang tatlumpu’t apat na gulang na binata ay dati palang may negosyo din. Ang kanyang kasosyo ay namatay sa aksidente at dahil tanging ang kasosyo lamang niya ang nakakaalam at may kinalaman sa mga pautang, nahirapan na siyang makasingil. Sabi niya, nawalan na siya nang ganang ituloy dahil wla naman siyang mapapmanahan ng negosyo. Ulila na siya sa mga magulang at ang kaisa-isa nyang kuya ay may asawa na. Teka pare, ano ba ung negosyo mo?
“Really?” , nanlaki ang mga mata ni Boy Sakto.
Sakto! Saktong-sakto sa mga sinabi sa akin ni Mr. Oi. Si Mr. Oi ay asawa ng isang pilipina na may-ari ng isang transient house sa Tampoi. Si Mr. Oi ay isang Taoist at masasabi kong isa siya sa mga “allies” ko sa Malaysia treasure quest. Ang Malaysia treasure quest ay ang apat na linggo kong pagtira at pagtuklas ng tunay na yaman ng Malaysia. Nagkausap kami ni Mr. Oi tungkol sa kasaysayan at sistema ng Singapura kumpara sa Malaysia at Pilipinas. Sa aming pag-uusap ay nasaling ang Budismo at nalaman niyang nagbabsa ako ng mga aral ni Nichiren. Napakalawak ng kanyang kaalaman sa Budismong Hapon. Isa siyang inhinyero na nakapag-aral sa Inglatera at nagmamay-ari ng pabrika ng electronic circuitboards. Naisip ko, isa na namang dagdag XP points sa akin ito. Bakit nga ba habang Johor ako, unti-unting nagbabago ang pagtingin ko sa mga bagay sa aking paligid. Hindi na ako apektado kapag ako ay nakakarinig ng mga “usapang iskwater” at mga pangungutya na punum-puno ng kababawan. Ang matandang ito ay isa sa mga ingat-yaman ng Malaysia—yaman, napara sa akin ay karunungan. Ito ang mga katagang sinabi sa akin ni Mr. Oi:
“If you have had many experiences in your life, and you know in yourself that you are a knowledgable person, you must not seek employment, do not work for somebody else.”
“But I do not have enough funds for business capital anymore.”, sinabi ko rin sa kanya na mabigat sa akin ang magpasweldo at magpanatili ng isang hanapbuhay na alam ko.
“You must choose a business that is not capital-intensive, not labor-intensive, and with faster returns.”
“I dont think that’s possible.”
“Can.”
“Is it wrong for me to seek a business partner? Must I start in business alone, is that better?”
“It depends. You must choose somebody that …”
Ang mga sumunod na mga sinabi sa akin ay trade secrets ko na po.
Pero sa totoo lang, alam ko na ang sagot ngayon. Kasi may nakasama na akong business partner na tumutugma sa sinabi ni Mr. Oi. Sa katunayan, nagkita kami sa isang meeting sa ikalawang byahe ko sa Malaysia…
Hay, ang swerte nga naman, kung saan ka nadapa, dun ka rin makakabangon.








