Home » Post Item » ADVENTURES OF BOY SAKTO PART 1: Juanitz dela Cruz or Furfiryo Jay Kabisig?
ADVENTURES OF BOY SAKTO PART 1: Juanitz dela Cruz or Furfiryo Jay Kabisig?
January 16, 2010
Isang kasumpa-sumpang karanasan ang naghimok sa akin upang pigilan kayo na magbigay ng pangkaraniwang pangalan sa inyong mga magiging anak. Lalong-lalo pa kung ang inyong apelyido ay pangkariniwan sa Pilipinas.
Ito ay sa kadahilanang ang pagkuha ng clearance sa tanggapan ng NBI(National Bureau of Investigation) ay nagbago na ang sistema. lalo nilang pinahirap.
Bakit ko po nasabi ito? Aba, e anak ng kapu#&-pu*%han, (Forgive me for the profanity), taun-taon na lang ba na magkakaroon ka ng hit ay maghihintay ka uli na maverify? Pero hindi na sana bale iyon, ang problema, kung ikaw ay pupunta sa isang mall para sa renewal, halimbawa na sa SM Megamall, nang ako ay pumila- nasa 5th floor ang dulo, aabutin ka ng oras bago makarating sa basement kung saan naroroon ang kanilang outlet. Pipila ka mula sa ikalimang palapag paikot sa hagdan para sa tatlong steps! O sige, balewalain na lang natin ung haba ng pila dahil nagbabago ito depende sa panahon. Pero, pagkatapos ko pumila ng tatlong beses na pagkahaba-haba, pagdating sa releasing, hndi rin naibgay ang kailangan ko dahil doon ko na lang daw kuhanin sa head office.
Bakit pa sila naglagay ng sangay ng kanilang tanggapan kung ang database pala ng kanilang system ay hindi kumpleto? Bakit hindi na lang muna nila inalam kung may hit o wala ang isang pangalan bago nila pinapila sa pagbabayad at sa pagpapakuha ng larawan? Bakit kung kailan magpa piyano na at saka pa lamang nila sasabihin na hindi dapat doon nagtungo?
Wala na akong magagawa kundi sumunod. Kaya nang ako ay umuwi, sinisisi ko ang aking ina: ”Bakit nyo kasi ako binigyan ng ganitong pangalan, napaka-common. Lagi tuloy ako pabalik-balik sa NBI”,
“Aba, wag ako sisihin mo, yung tatay mo…”, para namang masisisi ko pa e nakalagay na sa urn ang tatay ko.
Maaga kami ng aking mabait na alalay sa pagpunta sa Monumento. Wow okey ah. Paglapit mo may nag-a assist agad sa mesa. Teka, ano ‘to?, wala pa sa Step 1? Binilisan namin at sa wakas nakapila agad. Maya-maya, may lumapit na babae, tinanong kung renewal o new application. Aba, maayos, pinaghiwalay ang pila. Pagkadating sa bandang gitna…ngek! iisa lang pala pila. May lumapit na namang lalaki. Pinaghiwalay naman ang mga lalaki at mga babae. Tig dalawang pila. kanya-kanyang takbo at pili kung san kayo pipila. Kaya ung nahuli, nauna pa sa iba. Sumubok akong lumapit sa isang opisyal upang magtanong, “Sir, san po ba ko dapat pumasok, kasi po bayad na ako”.
“Ah, bayad kanaba?, dyan, dyan ang pila, para makapasok ka sa loob.”
“Dito rin po?”
Bakit ganun? ano pa ang silbi ng pagpila kung pagdating sa huli, pare-pareho lang kayo? Mag-iisang oras na nang aming mapagtanto na kami pala ay nasa unahan ng isaw na pila para lang makapasok sa loob. Iisa ang hanay ng mga upuan at sa kamalas-malasan naman talaga ay nataon pang sa mga lalaki iyon nakagawi. Kanya ang isang pila lang ng mga kalalakihan ang nagkaron ng pagkakataon na makaupo. Naglatag ng mga dyaryo ang aking mga katabi upang makaupo sa sahig. Tiniis ko naman ang tumayo dahil ayokong masira ang porma ko. Kahit parang naiiyak na ako sa gutom at naninigas na ang aking kalamnan sa binti.
Hay, salamat at malapit na sa mga bintana ng step 1. Ayan, kami na. Teka, halo-halo na, babae at lalaki, at kahit saan, ano ba yan! Pagkabigay ko sa kawani, ang sabi sa kin “Sa Step 5 na dapat yan sa loob.”
“Pano ako makakapasok dun?” tanong ko sa mga kasunod ko, habang pinipilit ko mahanap daan sa pagitan ng mga nakapila;
“Sir, saan po ba daan, papunta sa Step 5?”
“Step 5 kaba?, dun, lumusot ka, basta pumasok kana lang makikita ko sa loob”.
Sirang-sira ang porma ko sa paglusot sa tali nayon. Walang kapoise-poise. Ikot, hanap, 11:50 na, 10:00 kami dumating…Walangya, papayagan din pala ako pumasok diretso sa ikalimang hakbang, pinapila pa ako ng matagal.
Pinili ko ang pinakamaikling pila sa mga bintana ng Step 5. Ilang sandali pa at nasa bintana na ako. O, ano na naman? Ibinalik na naman …”hindi mabasa ung barcode, walang lumalabas. punta ka dyan sa gitna, pakuha ka uli ng picture“.
Kasunod ko ang isa pang babae; dalawa kaming lumapit sa matandang naka barong. “Ano kailangan nyo?”
“Sir magpapa picture daw po uli kasi po sabi …”
“Hindi dito, dun kayo pumila sa linya na yon, katabi ng pila ng ID card , mall verification.”
“Ser dito daw po kmi itinuro…” sabi ng kasabay ko,
“Sinabi nang hindi dito, bakit ba ayaw ninyo ako paniwalaan, sinasabi ko sa inyo kung saan, may ID ako, ayaw ninyo ako sundin, akina nga, tingnan ko, yan, akina rin. O, sinabi ko na sa inyo, hndi dito yan, dun yan.”
“E, sir, magkaiba kasi kayo ng mga sinasabi”
“Sino ba me sabi?, Pano nga kasi ung ibang empleyado, sabi ng sabi hndi naman marurunong”
Sa madaling salita, ayun, nakapila na naman ako. “Saan pila ‘to miss?”,
“Mall verification“.
“Bakit kasi lalagay-lagay pa sila sa Mall, wala rin naman palang kwenta!”, sabi ng mamang kalbo.
Habang ako ay nakapila, wala akong inisip kundi murahin sila lahat. Napakarami ko na sanang natapos lakarin noong mga oras na yon. Iniisip ko na hindi ako, Si Boy Sakto, ang malas, kundi bulok ang sistema sa Pilipinas.
Lampas alas dose nang ako ay makunan muli ng larawan. “Saan po?”
“Sa Step 5“.
Uy! walang pila sa step 5, takbo!
Nakangiti na ako nang inabot ang resibo habang patanaw-tanaw… yes! ang lapit lang ng Step 6!
“O, balik ka sa January 14.”
Ha??? “Ano po?, patay, January 13 ako naka-book.”
“E bakit kasi ngayon ka lang nag-apply?” (SAKTO!)
“Ma’am tagal ko na inapply yan, tingnan nyo petsa! Nakaraang taon, sa Marikina, di ako pinabalik-balik ng ganito…”
“BINAGO NA KASI UNG SYSTEM NAMIN EH”.
Ano pa nga ba magagawa ko, e di daanin na lang sa kain. Tutal tapos na yan. Babalikan ko na lang sa Huwebes. Noong araw, mahaba at mabagal din ang pila sa DFA at NSO, pero naisaayos ito sa pamamagitan ng Express Delivery.
Hwebes, Enero 14 ng umaga, maaga akong gumising, nag-almusal, naligo at masiglang gumayak. Nang biglang… Hah?, “Nay!, Nay!”
“Bakit, ano bayon?
“NAWAWALA UNG RESIBO KO!!!”








