Home » Archives » January 2010
Tingi-tingi part 1: Paminta eh
January 3, 2010Saan ka pa makakakita ng pisong paminta? Dito lang sa atin! Mapa Durog (ground pepper) man, Buo (Peppercorns), o Semi-durog, may tigpi piso nyan. At kahit saan ka magpunta hindi nawawalan.
Kaya naman yan ang bestseller ni Abelle. Ang Richcole Trading ay nagrarasyon ng mga tingi-tinging Richland Spices paminta sa dalawang bayan ng Rizal province. At sa lahat ng kanilang produkto, pisong paminta ang pinakamabili.
Mag-ingat po lamang sa staples. Muntik na po mapasa ang batas na bawal magbenta ng mga paminta na may bala ng stapler sa loob ng balot.
O ayan, Abelle, free advertisement. Yung susunod, may bayad na…piso!
Kalan de Uling May blower na!
Asensado na yata talaga tayo. Akalain mo na may bagong innovation na sa ating tungko? Presenting…the mother of all Super Kalan.
Hindi ko alam na marami palang iba pang gamit ang fan ng CPU.
Pasensya na po mga kapitbahay sa Asya. Ito pa lang po nakayanan namin sa ngayon. At least, kaming mga pinoy ay may Originality.










