Home
BAGONG LUMA
October 25, 2010Sa wakas napalitan ko na rin! Ang akin pong Trivia blog noon na nagkamal ng sangkatutak na mambabasa, katangi-tangi kong blog na may katuturan- na sa kasamaang palad ay nagsara na po ang host…ngayon ay nagbalik na!
Nga lamang ay sa iba na pong URL: http://ilovetrivia.webs.com/
Bagong-bago pa lamang po ito at ang counter ay nag-umpisa sa zero! Sana po ay tangkilikin ninyo upang ako ay makinabang muli sa mga patalastas.
Sali na at hindi kayo magsisisi, kapag kayo ay naging kasapi ng blogsite ko na ito, natitiyak ko pong kayo ay maraming mapupulot na kaalaman.
Hanggang sa muli…
hasta la proxima!
Tingi-tingi part 1: Paminta eh
January 3, 2010Saan ka pa makakakita ng pisong paminta? Dito lang sa atin! Mapa Durog (ground pepper) man, Buo (Peppercorns), o Semi-durog, may tigpi piso nyan. At kahit saan ka magpunta hindi nawawalan.
Kaya naman yan ang bestseller ni Abelle. Ang Richcole Trading ay nagrarasyon ng mga tingi-tinging Richland Spices paminta sa dalawang bayan ng Rizal province. At sa lahat ng kanilang produkto, pisong paminta ang pinakamabili.
Mag-ingat po lamang sa staples. Muntik na po mapasa ang batas na bawal magbenta ng mga paminta na may bala ng stapler sa loob ng balot.
O ayan, Abelle, free advertisement. Yung susunod, may bayad na…piso!
Kalan de Uling May blower na!
Asensado na yata talaga tayo. Akalain mo na may bagong innovation na sa ating tungko? Presenting…the mother of all Super Kalan.
Hindi ko alam na marami palang iba pang gamit ang fan ng CPU.
Pasensya na po mga kapitbahay sa Asya. Ito pa lang po nakayanan namin sa ngayon. At least, kaming mga pinoy ay may Originality.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa Lahat!
December 26, 2009










